Hanggang kaylan kaya bubunuin?
kasalanang di sadya,
tahanan ay rehas, nag-durusa sa brigada,
brigada ng kalungkutan...
Agos ng mga alaala,lumulunod sa akin,
sikip at inip
lungkot na dapat winawaksi'y ,
di mapigilan...
Mahal sa buhay,akoy iniwan,
masaklap na kapalaran
aking dinaranas,
laging kay layo ng tanaw...
Lumaya man siguro'y
Mananatili nalang rito,
Rito sa aking tahanan
Baka ito ang aking kapalaran
jhunn08
Friday, June 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment