Saturday, June 7, 2008

basahan

Walang kwentang gobyerno
Ayaw ko ng umasa pa
Na sila'y mag-babago
Korapsyon ng nasa trono
Laging inisip makakurakot

Simula sa mababa hanggang sa presidente
Huli na sa akto, di pa aamin
Matibay na sikmura at kapal ng muka
Taglay ng mga tuta ng mga amerikano

Paano na lamang ang susunod na henerasyon?
Dalawang kahig, isang tuka..
di pa makaraos,sa hirap na buhay
Nasaan na ang mga pangakong napako

Maghayag ka naman, baka bukas ay nakahandusay
Hirap talaga, sobrang labo
Delikadong maging Tama at totoo
Sa pamahalaang mali

1 comment:

makatangflipino said...

che196811
GMA- di palabigasan ang gobyerno!
MAKATANGFLIPINO