Tuesday, June 10, 2008

lakas ng luob

Tingnan mo ang mga pag-asa sa iyong mata
Nasasaiyo kung paano ka makukuntento sa buhay
Di ka pwedeng matakot
O mawalan ng pag-asa

Kung sabi nila'y di mo kaya
Kung sabi nila'y di ka pa handa
Kung sabi nila'y wala pang nakakagawa noon

Sabihin mo nalamang
Manuod ka't sumakay

tara

Tayo na at subukang mag-isip ng malaya
Mga bagong pananaw sa buhay
Tiwala sa kapwa
Palawakin ang mga bagay na hindi pa nasusubukan
Tara na at ibuka ang mga pakpak at lumipad

sana

Sana, sana malaman ang mga lugar na hindi ko pa nararating
Mga landas na laging nag-babago
Mga bagay na sana'y maibalik
Mga mumunting pangarap na sana'y matupad

Sana, sana makita ang buhay sa likod ng aking hinaharap

Tangka

Isang masayang pag-papaalam sa kahapong kay pait
Mainit na pagtanggap sa buhay na kay sigla

Mga magandang parte ng liwanag ng kahapon
Mga liwanag ng araw sa hinaharap

Mga simula ng mga bagong pag-subok
Mga pangako ng tagumpay sa hinaharap

Isang tangka sa walang hanggang kasiyahan...........

Saturday, June 7, 2008

nag-hahanap

Isinilang sa isang madilim na kahapon
Walang kamuwang muwang
Inosente sa mga bagay bagay
Walang malay sa impiyernong mundo

Ay malupit,ay mapait,ay masakit
Ang sinapit ng aking buhay
Kaylan makikita?
Pangarap kong kinabukasan
Saan?
Papaano?

Lumipas ang madilim na yugto
Pinilit umahon sa putik
Sinubukang umalpas sa anod ng mag alaala
Bakit ganito parin, kay lungkot

Nalunod na sa balon ng kahirapan
Ipikit nalang mga matang kay tamlay
Iratay katawang gulay
Isip na lamog

Baka bukas ay may darating na suwerte
Baka bukas ay wala na
Baka bukas ay tapos na
Baka bukas ay tahimik na

basahan

Walang kwentang gobyerno
Ayaw ko ng umasa pa
Na sila'y mag-babago
Korapsyon ng nasa trono
Laging inisip makakurakot

Simula sa mababa hanggang sa presidente
Huli na sa akto, di pa aamin
Matibay na sikmura at kapal ng muka
Taglay ng mga tuta ng mga amerikano

Paano na lamang ang susunod na henerasyon?
Dalawang kahig, isang tuka..
di pa makaraos,sa hirap na buhay
Nasaan na ang mga pangakong napako

Maghayag ka naman, baka bukas ay nakahandusay
Hirap talaga, sobrang labo
Delikadong maging Tama at totoo
Sa pamahalaang mali

bayang indio

Bayan kong inasam,bayan kong inaasam
Bayan kong ginahasa, bayan kong ginagahasa
Bayan kong inalipin,bayan kong inaalipin
Bayang ginapos,bayan kong ginagapos

Tama na po, tama na po
Hanggang kaylan tayo ganito?
Katulong nalamang ba tayo habang buhay
Gumising na, mahal kong bayan

Isulong ang rebolusyon
Iwagayway ang bandilang pula
Takot ay nag-uurumintado
May araw at butuwin sa ati'y matatanglaw

Bumilang kalang ng tatlo at sasabog na
Kaylan pa? kundi ngayon
Saan pa? kundi rito
Wala ng makapipigil

Bayang matapang at nag-aalab
Walang makapipigil
Karalitaan ay wakasan

buhay buhay

Bakit kaya kay saklap ng kapalaran
Di mapigilang maluha
Laging nag-tatanong kung bakit?
Di mapigilan, suliraning walang humpay

Nakakasawang buhay,paulit-ulit
Nakakainip,nakakainis
Masarap na mahirap sabayan

Buhay ko, buhay mo
Buhay nating mga plipino
Sa totoo lang....
Mahirap talagang maging pinoy

Friday, June 6, 2008

pakikibaka

Sumama sa panganib,Magkalayong mga pananaw
Mailap na kapalaran,mga bigong tangka
Awit na di mahagilap

Mapangilap na pag-sinta,pusong di maunawaan
Ng dahil sayo'y akoy nangangarap
Hapdi ng kahapong nakaguhit sa pisngi

Pagtakwil ng mundo'y, di inalintana
Dahil tinuruan mo akong huwag mangamba
Sa bukas na walang karugtong

Magwakas man siguro ang mundo kong kay pait
Tayong dalawa parin, hanggang sa langit

pagsintang pasakit

Mahal ko siya,mahal niya rin ako
Pero bakit ganito,hirap ng lagay
Gusto ko ang ayaw niya,ayaw niya ang gusto ko
Sabi ng nakararami'y,iwan at wakasan na
Pag-ibig na pasakit

Ano ba talaga pag-ibig?
Bakit ba pag-ibig?
Sino ba pag-ibig?
Kaylan ba pag-ibig?
Paano ba pag-ibig?
Isipay gulong-gulo...

Hanggang kaylan kaya?
pag-titiis sa pag-sintang pasakit......

BEEP BEEP BEEP BEEP

Pag-gising sa umaga, hawak ay manibela
Pasada ang buhay, buhay piloto
Piloto ng kalsada! agawan sa pasahero
Harurot dito, harurot doon

Biyaheng langit,biyaheng impiyerno
Busina dito, busina doon
Hari ng kalsada! pambansang sasakyan
Anupang hinihintay,sakay na

Wan tu tri laging inaabot
Sa bondari hirap, at kapos
Tamang pag-kain kinita mag-hapon
Yan ang buhay namin

Jeep na nagpapagalaw sa mga pinoy
Inaasahan ng nakararami
Buhay ng tsuper ay di gawang biro
Basta't laging tandaan
jeepney driver,sweet laber

DAHIL SA IMO

Dahil sayo ang himig ng aking gitara
Dahil sayo umibig ang pusong matamlay
Dahil sayo nakita ang matagal ng hinahanap na liwanag
Dahil sayo akoy nangingiti...

Habang buhay ,magpakailan
Mabubuhay sa pag-ibig
At kung lilisan?
Sa langit ng ligaya tayo'y mag-sasama

Dahil sayo ako'y umahon sa putik
Dahil sayo mundo'y kumulay
Dahil sayo ako'y lumaya
Dahil sayo lumbay ay napapawi

PAG-IBIG,PAG-IBIG,PAG-IBIG
MABUBUHAY SA PAG-IBIG
MAMAMATAY NG UMIIBIG

SANAY NANDITO KA

Nag-iisa't kay layo ng tanaw
Nananaginip ng gising
Alak at gitara ang kapiling
Sa mundong kay pait
Hanggang kaylan larawan moy mamasdan?

Sana'y nandito ka...
Kasama't karamay....
Sa mundong kay haba ng dilim
Mga luhang di mapigil

Nananaginip sa haba ng dilim
Walang hanggang lumbay
Tanging pagod at luha ang karamay
Sa mundong kay drama
Hanggang kaylan buhay koy ganito?

Bakit ba kasi kaylangang magkawalay?
Mga saya,tawa at mga ngiti ay kinalimutan...
PARA SA BUKAS NA WALANG KASIGURUHAN

agos ng alaala

Luha sa aking unan,mga mata sa iyong larawan
Kayakap ang unan mong regalo
Lungkot ang kapiling,
Talukbong ng kumot,
Baka bukas ay wala na.....

Ayaw ko ng bumangon
Dito sa mundong malupet
Nag-iisa't walang kasama,
Puno ng luha at sakit

Hapdi sa aking puso,
Isipa'y lamog sa pag-iisip
Suot ang baro mong regalo,
Kasama ang pait ng alaala mo,
inom nalang,
baka bukas ay tapos na...

MAY SAYSAY PA BA?
BUHAY KONG KAY DRAMA!?

PINOY ABROAD

Walang humpay sa hanapbuhay,
Dalawang kahig isang tuka,
Mabayaran lamang ang mga utang,
Di makatulog sa dami ng iniisip,
hanggang sa pag-tulog,
isipa'y nag-bibilang...

Eto ba? buhay mong pangarap?
Eto ba? ang kasaganaan?
Eto ba ang kasiyahan?
ETO BA? ETO BA?

Walang humpay sa pag-iisip,
Kayod ng kayod,
Mga oras,araw,buwan at taon ay kay kupad,
Di makauwi sa dami ng binabayaran,
Wala pang tulog, tuloy parin sa trabaho

BAKIT BA GANITO ANG BUHAY RITO?
Kaylan kaya makakabalik sa bayang inaasam,
kaylan? papaano?

MASAYA KA BA?????????

M-maraming pera,malaking bahay,magandang asawa,mga negosyo at lupa
A-alahas na kay lalaki,kwintas,sing-sing na di brilyante,hikaw atbp
S-seksing mga syota,maraming kaibigan,makapangyarihan
A-ang taas mo't di na maabot
Y-yamang galing sa bayan,ganid at pang-aalipusta
A-ang tibay ng sikmura,kay kapal ng muka...

K-kayamanang di madadala sa impeyerno
A-ano ba? kaylan matututo.....?

B-bakit nakalimutan ang diyos??
A-ang tanong ko lang .... MASAYA KA BA?

mahirap maging pinoy

Bayan ng makata,
Imperyo ng karalitaan,
Muka ng kahirapan,
Masasalamin san ka man bumaling...

Brigada ng pag-durusa,
Gipit na gipit,
Ayaw may napilitang rumampa,
Kalapating bumaba ang lipad...

Walang disenteng pamumuhay,
Walang maayos na trabaho,
Walang katiwasayan,
Walang ginhawa...

SINO BA ANG DAPAT SISIHIN?
Kalakihan ng populasyon?
Kultura?
Ang ating bansa?
Ang sistema?
O ANG MGA SARILI NATIN????????

pasasalamat

Nang akoy namulat sa mundong ito,
Ang mag ilaw nya'y nag-mulat sa aking mundo,
Ni di man lang maidlip,upang akoy arugain,

Maayos na higaan sa aking pag-tulog,
Gabi-babi'y napupuyat,sa pagtimpla ng gatas,
ako lamang ay matahan,

Sa pag-daan ng panaho'y nahubog sa aral,
Sa umaga na laging may pangaral,
Sa aking pag-lipad, babaunin ang mga kanyang aral

Saan man mapadpad,
San landas man ang matahak,
Salamat,salamat,aking inang

Rehas

Hanggang kaylan kaya bubunuin?
kasalanang di sadya,
tahanan ay rehas, nag-durusa sa brigada,
brigada ng kalungkutan...

Agos ng mga alaala,lumulunod sa akin,
sikip at inip
lungkot na dapat winawaksi'y ,
di mapigilan...

Mahal sa buhay,akoy iniwan,
masaklap na kapalaran
aking dinaranas,
laging kay layo ng tanaw...

Lumaya man siguro'y
Mananatili nalang rito,
Rito sa aking tahanan
Baka ito ang aking kapalaran


jhunn08