Monday, July 14, 2008

buhay

Ang swerte talaga natin.....
pinas

Sana po ay pagtiyagaan ninyong basahin,siguro ay my maitutulong ito sa ating buhay.
Di po ako nag-aral mag-sulat, ito po eh ung nakikita ko lamang sa paligid...
Yoong katotohanan ba(reality bites ika nga)sana po ay inyong maibigan..
At wag kayong matakot sa katotohanan....

Ang tao ay naglalamunan at nag-aapakan sa mukha upang makarating sa itaas..
Pag-baba naman ay tutungtungan ka parin....
Puro pakabig at paghahangad,kaylan ba tayo mag-kukusang mag-tanong sa kapwa natin kung anong maitutulong natin..
Maraming ari-arian pero bakit nawawala ang modo?
Laging nag-uusap pero wala namang pag-mamahal at magaling pang mangutya..
Natututunan natin kung paano mabuhay ngunit di ang buhay..
Nadadagdagan ang taon sa buhay pero di ang buhay sa taon..
Malayo na ang narating(sa buwan at nakabalik)ngunit di man lang makatawid sa kanto upang makipagkilanlan at makipagkapwa...
Maraming negosyo pero ma-igsi ang pasensiya..
Maraming problema dahil makitid ang pananaw...
Gastos ng gastos di naman nakukuntento..
Bili ng bili ngunit di naman nasisiyahan..
Mansion na bahay, watak na pamilya..
Mas madali at kumbinyente pero bat nagagahol parin sa oras..
Mataas na degree ang pinag-aralan ngunit walang sintido komon..
Maraming nalalaman pero magaling ding mang-husga..
Maraming ekspertismo,ngunit bat mas maraming problema...
Maraming bagong tuklas na medisina, ngunit di naman gumagaling..
Inom ng inom,hithit ng hithit,di naman nababawasan ang problema...
Madali ng madali kaya't kaybilis magalit..
Puyat ng puyat,pagkagising ay pagod na pagod...
Maraming nagagawa pero di naman nakakabuti...
Isinusulong natin ang pag-linis ng hangin pero bat puro polusyon ang kaluluwa natin..
Maraming nasusulat pero wala namang natututunan..
Magaling mag-plano pero wala namang natutupad..
Pinag-aaralan nating mag-madali, di ang mag-antay..
Gawa ng gawa ng obra wala namang ibig sabihin...
Nood ng nood ng t.v.,nakalimutan ng mag-dasal...
(ang t.v.,diyaryo at radyo ay di nating alam kung tama ba o mali ang inihahayag, minsan ay parang sinasadya nila tayong lituhin upang magkaroon ng isyu at may-mapag-usapan para kumita, sa tingin ko ang kaylangan natin ay katotohanan sa ating tunay na nadarama at di ang nararamdaman ng ibang tao,sa tingin ko yoon ang sagot upang tayo'y maging ganap na malaya)

himig natin(pinas version) by makatangflipino



Kaylan kaya tayo mag-babago?
May pag-asa pa ba ang mga taong makamundo?
Kaylan kaya tayo makapag-bibigay buhay sa ating kapwa?

eto ang isa kung paano mo mauuri ang isang tao?
Ang matatakaw at ganid ay duwag at mahihina...
Ang nagugutom at nag-susumikap ay matatapang at malakas...
Sa ngayon pera ang nag-papa-ikot ng mundo...
ATIK,TIK-TAK,DATUNG,OXY,BREAD,TINAPAY,ANDA,KWARTA,PISI,SALAPI..
kung wala ka nito panis ka....
pero teka lang sabi ko nga nasa pananaw mo ito, kung mag-papadala ka sa mundo,talo ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
MATUTO TAYONG MAKUNTENTO AT MAGPASALAMAT SA DIYOS KUNG ANO ANG MERON SA ATIN


sana po ay nagustuhan nio ito... kung may komento po kayo o bayulenteng reaksiyon eh libre po kayong mag-hayag!!!!

para sa mga kapwa ko PILIPINO...

nagpapasalamat sa inyong panahon,
MAKATANGFLIPINO..............

No comments: