Tingnan mo ang mga pag-asa sa iyong mata
Nasasaiyo kung paano ka makukuntento sa buhay
Di ka pwedeng matakot
O mawalan ng pag-asa
Kung sabi nila'y di mo kaya
Kung sabi nila'y di ka pa handa
Kung sabi nila'y wala pang nakakagawa noon
Sabihin mo nalamang
Manuod ka't sumakay
Tuesday, June 10, 2008
tara
Tayo na at subukang mag-isip ng malaya
Mga bagong pananaw sa buhay
Tiwala sa kapwa
Palawakin ang mga bagay na hindi pa nasusubukan
Tara na at ibuka ang mga pakpak at lumipad
Mga bagong pananaw sa buhay
Tiwala sa kapwa
Palawakin ang mga bagay na hindi pa nasusubukan
Tara na at ibuka ang mga pakpak at lumipad
sana
Sana, sana malaman ang mga lugar na hindi ko pa nararating
Mga landas na laging nag-babago
Mga bagay na sana'y maibalik
Mga mumunting pangarap na sana'y matupad
Sana, sana makita ang buhay sa likod ng aking hinaharap
Mga landas na laging nag-babago
Mga bagay na sana'y maibalik
Mga mumunting pangarap na sana'y matupad
Sana, sana makita ang buhay sa likod ng aking hinaharap
Tangka
Isang masayang pag-papaalam sa kahapong kay pait
Mainit na pagtanggap sa buhay na kay sigla
Mga magandang parte ng liwanag ng kahapon
Mga liwanag ng araw sa hinaharap
Mga simula ng mga bagong pag-subok
Mga pangako ng tagumpay sa hinaharap
Isang tangka sa walang hanggang kasiyahan...........
Mainit na pagtanggap sa buhay na kay sigla
Mga magandang parte ng liwanag ng kahapon
Mga liwanag ng araw sa hinaharap
Mga simula ng mga bagong pag-subok
Mga pangako ng tagumpay sa hinaharap
Isang tangka sa walang hanggang kasiyahan...........
Saturday, June 7, 2008
nag-hahanap
Isinilang sa isang madilim na kahapon
Walang kamuwang muwang
Inosente sa mga bagay bagay
Walang malay sa impiyernong mundo
Ay malupit,ay mapait,ay masakit
Ang sinapit ng aking buhay
Kaylan makikita?
Pangarap kong kinabukasan
Saan?
Papaano?
Lumipas ang madilim na yugto
Pinilit umahon sa putik
Sinubukang umalpas sa anod ng mag alaala
Bakit ganito parin, kay lungkot
Nalunod na sa balon ng kahirapan
Ipikit nalang mga matang kay tamlay
Iratay katawang gulay
Isip na lamog
Baka bukas ay may darating na suwerte
Baka bukas ay wala na
Baka bukas ay tapos na
Baka bukas ay tahimik na
Walang kamuwang muwang
Inosente sa mga bagay bagay
Walang malay sa impiyernong mundo
Ay malupit,ay mapait,ay masakit
Ang sinapit ng aking buhay
Kaylan makikita?
Pangarap kong kinabukasan
Saan?
Papaano?
Lumipas ang madilim na yugto
Pinilit umahon sa putik
Sinubukang umalpas sa anod ng mag alaala
Bakit ganito parin, kay lungkot
Nalunod na sa balon ng kahirapan
Ipikit nalang mga matang kay tamlay
Iratay katawang gulay
Isip na lamog
Baka bukas ay may darating na suwerte
Baka bukas ay wala na
Baka bukas ay tapos na
Baka bukas ay tahimik na
basahan
Walang kwentang gobyerno
Ayaw ko ng umasa pa
Na sila'y mag-babago
Korapsyon ng nasa trono
Laging inisip makakurakot
Simula sa mababa hanggang sa presidente
Huli na sa akto, di pa aamin
Matibay na sikmura at kapal ng muka
Taglay ng mga tuta ng mga amerikano
Paano na lamang ang susunod na henerasyon?
Dalawang kahig, isang tuka..
di pa makaraos,sa hirap na buhay
Nasaan na ang mga pangakong napako
Maghayag ka naman, baka bukas ay nakahandusay
Hirap talaga, sobrang labo
Delikadong maging Tama at totoo
Sa pamahalaang mali
Ayaw ko ng umasa pa
Na sila'y mag-babago
Korapsyon ng nasa trono
Laging inisip makakurakot
Simula sa mababa hanggang sa presidente
Huli na sa akto, di pa aamin
Matibay na sikmura at kapal ng muka
Taglay ng mga tuta ng mga amerikano
Paano na lamang ang susunod na henerasyon?
Dalawang kahig, isang tuka..
di pa makaraos,sa hirap na buhay
Nasaan na ang mga pangakong napako
Maghayag ka naman, baka bukas ay nakahandusay
Hirap talaga, sobrang labo
Delikadong maging Tama at totoo
Sa pamahalaang mali
bayang indio
Bayan kong inasam,bayan kong inaasam
Bayan kong ginahasa, bayan kong ginagahasa
Bayan kong inalipin,bayan kong inaalipin
Bayang ginapos,bayan kong ginagapos
Tama na po, tama na po
Hanggang kaylan tayo ganito?
Katulong nalamang ba tayo habang buhay
Gumising na, mahal kong bayan
Isulong ang rebolusyon
Iwagayway ang bandilang pula
Takot ay nag-uurumintado
May araw at butuwin sa ati'y matatanglaw
Bumilang kalang ng tatlo at sasabog na
Kaylan pa? kundi ngayon
Saan pa? kundi rito
Wala ng makapipigil
Bayang matapang at nag-aalab
Walang makapipigil
Karalitaan ay wakasan
Bayan kong ginahasa, bayan kong ginagahasa
Bayan kong inalipin,bayan kong inaalipin
Bayang ginapos,bayan kong ginagapos
Tama na po, tama na po
Hanggang kaylan tayo ganito?
Katulong nalamang ba tayo habang buhay
Gumising na, mahal kong bayan
Isulong ang rebolusyon
Iwagayway ang bandilang pula
Takot ay nag-uurumintado
May araw at butuwin sa ati'y matatanglaw
Bumilang kalang ng tatlo at sasabog na
Kaylan pa? kundi ngayon
Saan pa? kundi rito
Wala ng makapipigil
Bayang matapang at nag-aalab
Walang makapipigil
Karalitaan ay wakasan
Subscribe to:
Posts (Atom)
